June 6, 2006
Naglalaro siya ng basketball pero tumigil siya para alukin ako ng payong. Tinanggihan ko dahil hindi ko naman siya kilala.
June 19, 2006
Tumawag siya sa cellphone ko at tinext ko siya ng "At sino ka naman?" Hindi siya nagreply. (Natakot siguro.)
July 6, 2006
Nakasalubong ko siya sa La Casita at tinanong niya ako kung pwede kami maging textmates. Nabigla na lang ako dahil meron na siyang number ko.
August 2, 2006

Tinanong niya ako kung pwede ba daw kami mag-date sa Linggo, August 6. Tumanggi ako dahil manonood ako ng Mall Show ni Christian Bautista sa August 5 :p
August 31, 2006

Sinabi niya sa akin na lilipat na daw siya ng school. Binigyan niya ako ng isang supot ng Curly Tops at isang rosaryo. Nag-picture kami sa tapat ng Registrar dahil araw iyon ng Course Card Distribution.
October, 2006

Nag-sit in siya sa Intrcom class namin at kinuhanan niya ng picture ang magkahawak naming kamay. Napailing na lang ako dahil na-realize ko na ... mahal ko na pala siya. (Aray.)
December 19, 2006

Nangolekta siya ng mga laruang oso (teddy bear? hahaha) na kasama ng McDonald's Happy Meal para ibigay sa akin nung Pasko. Nagtagumpay na siya sa balak na paiyakin ako.
February 5, 2007

First kiss?? Ahahaha!
Marami pang ibang nangyari pero hindi ko makakalimutan noong huling birthday ko...
January 8, 2008
Tinupad niya ang pangarap kong makatanggap ng mga sulat mula sa Post Office :)
December 2008
COMING SOON =)
